Ni Gilbert Espeña

AAKYAT ng timbang si dating WBO Asia Pacific bantamweight champion Jetro Pabustan upang kasahan ang walang talong si Mexican Carlos Ornelas sa kanilang featherweight bout sa Mayo 12 sa Tecate, Mexico.

Galing si Pabustan sa pagkatalo sa Hapones na si Hiroaki Teshigawara at kailangang makaiskor ng panalo upang muling magkaroon ng tyansa sa world title bout.

Unang kumasa si Pabustan sa kampeonatong pandaigdig nang hamunin si dating WBO bantamweight ruler Panya Uthok sa Nakhon Ratchasima, Thailand pero natalo siya sa kontroberisyal na technical decision.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

May perpektong rekord si Ornelas na 19 na panalo, 10 sa pamamagitan ng knockouts at kabilang sa mga biktima niya ang kababayang si dating WBO super flyweight champion Juan Carlos Sanchez Jr. na tinalo niya sa 8-round unanimous decision.

May rekord si Pabustan na 29-5-6 na may 9 pagwawagi sa knockouts.