Ni Marivic Awitan

NAKAHANDA ang mga baguhang koponang Petro Gazz at Tacloban para sa kakaharapin nilang matitinding laban kontra sa mga beteranong koponang kalahok habang gagawin naman ng Navy-Iriga ang kanilang pagbabalik sa Premier Volleyball League (PVL) na nakatakdang magsimula ang ikalawang season bukas sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Pangungunahan ng pinaghalong mga commercial league veterans at mga dating college stars, ang Petro Gazz Angels ay kinakitaan ng magandang performance sa kanilang mga tune-up matches sa ilalim ni coach Jerry Yee.

“So far, so good. It’s a matter of polishing their games since smooth naman ang transition nila from defense to offense,” ani Yee.

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

Kabilang sa koponan sina dating La Salle standouts Stephanie Mercado, Wensh Tiu, Cienne Cruz at veteran playmaker Chie Saet, mga dating St. Benilde mainstays Rachel Austero, Ranya Musa, Djanel Cheng at Rica Enclona, dating Pocari Sweat hitter Cai Nepomuceno ,Alyssa Layug ng Technological Institute of the Philippines at Mary Anne Mendrez ng University of the East.

Kinuha naman nilang imports sina Kadi Kullerkann ng Estonia at Anastasia Trach ng Ukraine.

Para sa Tacloban Fighting Warays, mangunguna sa kanilang kampanya sa ligang inorganisa ng Sports Vision sina Jovielyn Prado, Regine Anne Arocha at Mary Anne Esguerra ng reigning NCAA champion Arellano University.

Kasama rin sa koponan ni dating Power Smashers coach Nes Pamilar sina San Sebastian College setter Vira May Guillema, UE hitter Judith Abil , FEU playmaker Kyle Negrito ,Eunice Galang, Seth Rodriguez , Bangladesh Pantaleon at Thai legend Patcharee Sangmuang bilang isa sa kanilang imports.

Sa pagbabalik ng Iriga City, nakipagsanib puwersa sila sa Navy.at kumpiyansa ang Lady Oragons sa kanilang tsansa sa pamumuno nina reigning NCAA MVP Shola Alvarez, Bicol price Grazielle Bombita, ace setter Janet Serafica, Mary Jane Ticar, Norie Diaz, Hezzemie Acuna, Devine Eguia, Florence Madulid, Carissa Martinez, Angela Kim, Shyrra Cabriana, Reynalen Raterta at Macy Uber.

Maagang mapapasabak ang Petro Gazz at Tacloban dahil lalaro sila sa opening day bukas kung saan makakasagupa ng una ang koponan ng PayMaya o ang dating PLDT at makakatapat naman ng huli ang paboritong Creamline na pinangungunahan ni Alyssa Valdez.

Bukod, sa mga nabanggit na teams, ang iba pang mga kalahok ay ang BaliPure-NU, BanKo-Perlas at defending champion Pocari Sweat-Air Force.