Ni NITZ MIRALLES

PATI si Amy Perez nadamay sa fake news na pinagtawanan daw nina Angeline Quinto at Morisette Amon ang pagbi-breakdown ni Sarah Geronimo habang nagpi-perform sa stage sa show nito sa Las Vegas.

AMY copy

Ang nakarating kay Amy, P.A. (personal assistant) niya ang nakakita at nakarinig na nagtatawanan ang dalawa nang mapanood ang video ni Sarah.

Beauty Gonzalez, sinita sa paraan ng paghiwa ng kalabasa

Agad itinanggi ni Amy ang isyu, wala pala siyang P.A. na kasama ‘pag nagtatrabaho kaya siya lang ang nagbibitbit ng mga gamit niya.

Agad ding nagsalita si Angelike via Twitter at nakiusap sa fans ni Sarah na ilabas ang video na nagtatawanan daw sila ni Morisette.

Sunud-sunod ang tweet ni Angeline na sunud-sunod din naming isinulat para maayos na mabasa.

“Popsters, napakalaki ng respeto ko kay Sarah Geronimo, napakalaki ng respeto ko sa mga supporters niya, nakikiusap ako, ilabas niyo ang video, iharap niyo sa akin ang taong sinasabi nyo na staff ng abs-cbn nakikiusap ako sa inyo Popsters. Ngayon lang ako makikiusap sa inyo.”

“Unang-una sa lahat, popsters, hindi ko pa alam ang issue na ‘yan about Sarah Geronimo, nu’ng nag-ASAP ako nu’ng Linggo, nalaman ko ang issue kay Sarah galing sa best friend ko. April 30 (Monday), so paano narinig ng staff ng ABS-CBN? E, nalaman ko nga Lunes pa.”

“POPSTERS. Please nakikiusap ako ngayon sa inyo, ilabas n’yo ang video at ipakita n’yo o ipakilala man lang ‘yung staff ng ABS-CBN na nakarinig ng pag-uusap namin ni Morisette. Pati si Morisette na walang kinalaman dito, kung anu-ano ang sinabi n’yo. ‘Wag naman ganu’n. Hindi tama ‘yan.”

“Ngayon ko lang nabasa lahat ng messages ng Popsters. Ang taas ng tingin ko sa inyo at laki ng respeto ko sa inyong lahat. Dahil kay Sarah Geronimo, kahit anong masasamang sabihin n’yo sa akin at kay Morisette, rerespetuhin ko pa rin kayo dahil nirerespeto ko si Sarah.

“Sabihin n’yo lahat, POPSTERS, HINDI AKO NAKAPAG-SOLO CONCERT NA SOLD OUT, TOMBOY AKO, HINDI AKO SIKAT, tatanggapin ko lahat ‘yan dahil nirerespeto ko ang iniidolo n’yo. Sa ginagawa ko ngayon mas nahihiya ako kay Sarah.

“Sa ibang Popsters na humihingi ng sorry, nag-direct message, hindi n’yo kailangan gawin ‘yan. Maraming Salamat sa inyo. Sana isipin na lang natin ang pinagdadaanan ni Sarah. Nakikiusap ako sa inyo, para kay Sarah na lang.”

In all capital letters naman ang sagot ni Angeline sa fan na nagmura sa kanya at nagbanta pang “ipatutumba” sila.

“MAGKITA TAYO NG PERSONAL M I K O . WAG NA WAG ANG MAGULANG KO. KAHIT KELAN HINDI NAGING P*TA ANG MAGULANG KO. WAG NA WAG ANG MAGULANG KO NANGINGINIG AKO SA PAG-TYPE NITO PARA SA ‘YO. MAGKITA TAYO PAKIUSAP.”

Naka-recover na si Sarah sa pagod, nakapagpahinga na, at sana pag-uwi niya ng bansa, wala nang ganitong isyu