Ni REGGEE BONOAN

PERSONAL na nagsampa ng kasong Cyberbullying and Threat sa Philippine National Police sa Camp Crame, Quezon City si Angeline Quinto kahapon kasama ang kaibigan niyang si Kate Valenzuela laban sa Twitter user na Music Movie and Arts @Mico 1617 na nagmura sa kanya sa magulang niya, at sa kanyang kapwa singer na si Morissette Amon.

ANGELINE2_option copy

Bukod sa masasakit na salita at murang inabot ni Angge ay nagbanta pa ito ng, “Ipapatumba ko kayo mga g*go.’

Nadine Lustre naging kamukha na raw ni James Reid

Kung si Angeline ang tatanungin ay kaya niyang harapin ang taong ito, pero idinamay pati ang taong nagpalaki sa kanya ng maayos kaya kinailangan na niyang gumawa ng legal na hakbang para mapanagot ito.

Nag-ugat ang pagmumura ng Twitter user na MIco1617 kina Angeline at Morissette sa isyu sa lumabas daw na video na pinagtatawanan nila ang pagbi-breakdown ni Sarah Geronimo sa concert nito sa Las Vegas show at nagsabi raw sila ng ,’Pabebe si Sarah’ sa naturang video.

Agad kaming napatanong sa sarili nang una naming marinig ang intrigang ito kung, ‘sigurado kayang fans ni Sarah ang mga umaate kina Angge at Mowie (palayaw ni Morisette)?’ Dahil marami rin kaming kilalang supporters ni Sarah na mababait at magagalang pati na ang ibang kasamahan pa nga namin sa trabaho.

Agad pinabulaanan ni Angeline ang intriga at nagsabi siya sa Popsters ng, “Popsters, napakalaki ng respeto ko kay Sarah Geronimo. Napakalaki ng respeto ko sa supporters niya, nakikiusap ako, ilabas ninyo ang video, iharap ninyo sa akin ang taong sinasabi ninyo na staff ng ABS-CBN. Nakikiusap ako sa inyo, Popsters, ngayon lang ako nakikiusap sa inyo.”

Nakiusap din si Angeline na siya na lang ang murahin huwag nang idadamay ang magulang niya.

Maraming palaban ding supporers nina Angeline at Morissette ang nangtanggol sa dalawa at hinamon din si Mico1617 na bigla nang nawala ang soc ial media ac count kahapon.

Pe r sona l naming ki l a l a si Angeline na maski na taklesa kapag nagkukuwento tungkol sa kanyang sarili at sa mga kakikayan niya, ni minsan ay hindi namin siya naringgan na nagsalita ng hindi maganda tungkol sa kapwa niya, kesehodang kapwa singer, personal assistant, driver, o sinumang taong nakapaligid sa kanya. Isa sa mga katangian niya ang hindi paglimot sa kanyang pinagmulan at kung sino siya bago niya narating ang kinalalagyan ngayon.

Kung tunay na supporters ni Sarah Geronimo ang mga nanira kina Angeline at Morissette, maawa kayo sa idol ninyo dahil nakadagdag pa kayo sa stress niya. Hayan, dahil sa pambibira ninyo sa ibang singers, nagbo-bommerang ito hindi lang sa inyo kundi pati na sa idolo ninyo.