Ni Johnny Dayang

PARA sa gobyerno, maaaring nakasentro sa apat hanggang anim na buwang pagsasara ng isla ng Boracay ang pangunahing isyu ng rehabilitasyon ng kapaligiran. Para sa mga residente ng isla, gayunman, pangunahing isyu ang kawalan ng hanapbuhay na higit na makaaapekto sa kaligtasan ng kanilang pamilya.

Habang may ilang kaugnay na ahensiya na kumikilos para sa restorasyon ang nagdulot ng mga oportunidad para magkatrabaho ang mga lokal na residente, waring para lamang iyon sa katiting na bahagi ng populasyon ng naturang isla.

Gayong maaaring kakaunti lamang iyon, sa Mayo 3 at 4 ay sesentro sa mga apektadong manggagawa ang oportunidad na magkaroon ng sa trabaho sa isasagawang Aklan Training Center, Old Buswang, Kalibo, Aklan ang recruitment. Ang EDI-Staffbuilders International Inc. (EDI-SII) ang kaagapay na ahensiya para rito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa isang pahayag ni Aklan Governor Florencio T. Miraflores, na malugod na tinanggap ang pangyayaring ito, sinabi niya na ang pagpasok ng recruitment firm ay makatutulong upang mapunan ang “deficiencies in job openings and carries with it the chance of extending a support system to address local poverty.”

Nabanggit din ni Miraflores na naging mapaghamon ang unang apat na buwan ng 2018 para sa Aklan. Aniya, “The closure of the crown jewel of our tourism industry has left a strain especially to the thousands of workers in the island. And it is about a very timely and welcome event, that this recruitment activity will be conducted for Aklanons.”

Sa Czech Republic lang, mahigit sanlibong manggagawang Pilipino na may talino sa sales, warehouse at logistics management, forklift at iba pang kaugnay na equipment operation, butchery, manufacturing at service industries ang kailangan. Inaalok nang libre ang overseas jobs na ito para sa mga kuwalipikadong aplikante.

Ipinaliwanag ni EDI-SII management consultant Aris Metin na bukod sa job placements sa Czech Republic, mayroon ding oportunidad sa USA, Germany, Finland, Saudi Arabia, Qatar, United Arab Emirates, at sa Asia Pacific region para sa skilled applicants.

“Our main objective is to provide job applicants an option ... of mapping their destiny in becoming an overseas Filipino worker by advocating the ‘No Placement Fee, No Processing Fee, No Salary Deduction’ manner of overseas job application. We believe that a qualified applicant need not pay a single fee to work abroad,” paglilinaw ni Metin.

Itataguyod ng pagkakataong ito ang positibong pananaw at pag-asa para sa mga manggagawang taga-Boracay at mga residente ng Aklan na nawalan ng trabaho.