Ni NITZ MIRALLES

SA pinakahuling interview kay Matteo Guidicelli nalaman na okay na si Sarah Geronimo pagkatapos ng sinasabing Breakdown On Stage sa show nito sa Las Vegas.

Nakapagpahinga, nakatulog at nakabawi na raw ng lakas si Sarah.

Ang maganda, kaibigan man o hindi ni Sarah, nagpahayag ng suporta sa kanya ang iba’t ibang celebrity.

Tsika at Intriga

Netizens kay Anthony: 'You look tired. I wanna baby you!'

Marvin Agustin: “I just saw Sarah’s posted videos when she couldn’t sing anymore... lahat ng tao napapagod, ang importante ay ibinigay mo ang lahat mo hanggang sa puntong di mo na kaya. Mas inirespeto kita at ng lahat ng mga taong nagmamahal sa ‘yo! Mabuhay ka, Sarah!”

Sitti: “My heart breaks for Sarah G. I hope she’ll be able to have a good long break after her tour, doing the things she wants with the people she likes, and for her to be given the freedom to do so.”

Enhong Dee: “Sarah G’s feelings are so Valid. Respect and Admiration for this beautiful soul.”

Cacai Bautista: “I love you @JustSarahG.”

Paolo Valenciano: “Sarah is one of the few gems in the industry. Hoping for the best. We all believe in you.”

Jed Madela: “I will always be a true-blooded Sarah Geronimo supporter.”

Ang ibang kapwa singers ay kay Mark Bautista na kasama ni Sarah sa US tour ipinadaan ang pagpapaabot ng suporta kay Sarah.