Ni REGGEE BONOAN

NAKAUSAP namin si Ice (Aiza) Seguerra, sa launch ng ikalawang taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino na proyekto ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa Max’s restaurant, tungkol sa paratang sa kanya ng Commission on Audit (COA) na kulang ang isinumiteng papeles sa mga nagastos na pangmeryenda na umabot sa P268,000 noong pinuno pa siya ng National Youth Commission, (NYC).

ICE copy

Inalam namin kay Ice kung kaya siya ang nag-resign bilang head ng NYC ay dahil sa diumanong paratang sa kanya habang iniimbestigahan

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Ay, no! No! It’s not even an investigation, it’s an observation since COA’s job is really to audit, meron silang mga nakikitang things they want to ask, that’s their job. Kami naman we’re going to provide justification. Even before I resigned, nagkaroon na kami ng exit conference, I even posted the picture ng letter nila (COA) na sinasabing wala kaming disallowances.

“So it’s really a surprise when it came out because, sabi ko, maglalabas sila ng ganu’n sana nilabas din nila ‘yung side ng National Youth Commission,” pahayag ni Ice.

Wala namang kasong isinampa laban sa kanya at hindi na rin daw siya interesado kung sino ang mga nasa likod ng isyu.

“I really don’t care kung sino o ano. Siguro nasanay na rin ako sa industriya natin dito (showbiz), na maraming mga ganyang tao kahit saang industry ka, maraming ganyan.”

Unang pagkakadawit ng pangalan niya sa corruption.

“Sabi ko nga, what? What the hell. Ang daming nagtatanong sa akin if I’m gonna sue, sabi ko, ‘Mawawalan ba ako ng tulog, hindi naman kasi alam kong malinis ako.’ The whole time I’m in that agency, I did my best and we made sure na maayos lahat ang paper works at nasagot namin at na-justify,” diin ng asawa ni FDCP Head Liza Diño.

As of press time ay walang isyu si Ice sa COA dahil nailabas na nila ang lahat ng papeles na magpapatunay na walang katiwaliang nangyari sa perang sinisilip ng ahensiya.

”Naglabas din ang National Youth Commission, kasi for the longest time ang NYC ay nagkaroon ng award for best accounting something. Maayos ang NYC, kaya nga natawa kami kasi may mga ganitong isyu,” saad pa ni Ice.

Ang FDCP head na si Ms. Dino ang galit na galit sa bintang sa asawang si Ice dahil napakaliit na halaga ang kinukuwestiyon gayong isang kanta lang daw ang P268,000, na ibig sabihin ay hindi sisirain ng dating NYC head ang pangalan niya sa maliit na halaga.

“She’s my wife, that’s a normal reaction, I’ll feel the same thing ‘pag (siya) din, ipagtatanggol ko rin ang asawa ko. At tama ang mga sinabi niya, actually happy nga ako sa mga ‘nilabas niya, there are things that we learned when we entered government, especially ‘yan.

“Dapat maintindihan din ng mga tao na hindi lahat ganu’n, ang dali kasing manira pero ang totoo maraming mababait at tapat sa gobyerno na hindi lang naa-appreciate kasi hindi naman nalalabas lahat ng mabuti.”

Nabanggit pa ni Ice na mas matibay ang dibdib ng asawa niyang si Liza at very open ito.

“Matapang siya, pati nga ako napapasunod niya.”

At maganda ang record ni Liza bilang pinuno ng FDCP na napakaraming proyekto ngayon at higit sa lahat, naka-black and white na klaro ang mga gastusin niya.

Samantala, sa tingin ba ni Ice ay black propaganda ang nangyayari laban sa kanya?

“Puwede, I don’t know. I honestly do not care. Hindi naman ako kakandidato at wala na akong balak, lumabas na nga ako sa gobyerno, eh,” sagot niya.

Walang sama ng loob si Ice sa nangyari sa kanya dahil may mga natutuhan naman daw siya nang manungkulan siya sa NYC sa loob ng isang taon at kalahati.