Ni Nitz Miralles

KUMPARA kina Julie Anne San Jose at Kiko Estrada, mas doble ang excitement ni Gil Cuerva sa pilot sa Monday bago mag-Eat Bulaga ng morning musical rom-com series na My Guitar Princess.

gil copy

Mauunawaan ang excitement ni Gil, second teleserye pa lang niya ito at newcomer siya kung ikukumpara sa dalawa.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

“But I guess I’m more prepared this time. May mga acting workshop akong ginawa, with Ana Feleo, Mr. Anthony Vincent Bova at iba pang acting coach. Pati physically, naghanda ako, I’ve been working in the gym. I’m excited and happy to be working with new friends,” panimula ni Gil.

Big challenge sa kanya ang role at karakter niya bilang si Eltom Smith dahil singer siya at kilalang Prince Charming of Pop. Kakanta siya rito, eh, hindi naman siya singer, kaya kumuha siya ng voice coach.

“Malaking adjustment on my part ang role ng isang singer dahil kahit sa shower, hindi ako kumakanta. Singing is not my forte, but I’m open to learning and I want to learn at sabi ko sa sarili ko, I will work for it. Kinuha kong voice coach si Thor dahil kakanta nga ako. Ako ang kakanta ng Is It Love na kinanta kanina ni Julie. Ang kapal nga ng mukha ko dahil si Harry Styles ang peg ko,” sabi ni Gil.

Matutuwa ang bossing ng GMA Network sa sinabi ni Gil, mananatili siyang Kapuso at walang balak lumipat sa ibang network.

“I’m happy being a Kapuso at masaya ako sa projrcts na ibinibigay sa akin pati ‘yung mga guestings. Saka, malaki na ang investment ng GMA-7 sa akin at sa iba pang Kapuso talents isa na ritoang pag-i-sponsor ng acting workshop. I owe it to them and I’m thankful to them, kaya dito lang ako,” aniya.

Saka, kung lilipat si Gil, hindi matutupad ang dream niyang makatrabaho ang TOTGA Girls na sina Lovi Poe, Max Collins at Rhian Ramos.

Ayaw ba niyang makatrabaho nang sabay-sabay ang tatlo?

“Why not? Mas masaya ‘yun kung silang tatlo ang makakasama ko. Sana nga mangyari,” pagtatapos ni Gil.