Ni DINDO M. BALARES

MASAYA ang interbyu namin kina Barbie Forteza, Derrick Monasterio, Kim Rodriguez at Juancho Trivino sa Dagupan nang mag-show sila bilang pakikiisa ng GMA Network sa Bangus Festival at Pistay Dayat Festival ng Pangasinan.

DERRICK BARBIE KIM AT JUANCHO copy

Magaan pagmasdan sina Derrick at Barbie na halatang magkasundung-magkasundo, kaya pinuna namin na sa rami ng pinagtambalan nilang projects, hindi sila nagkadebelopan.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Muntik na nga,” pag-amin ni Derrick.

Same vibes sila, nagsimula nang lumabas-labas, at dalawang beses nanligaw si Derrick pero dalawang beses ding tinanggihan ni Barbie – dahil mga bata pa sila noon.

Nanghihinayang ba si Derrick na hindi siya naghintay, lalo na ngayong boyfriend na ni Barbie si Jak Roberto?

“Medyo po, kasi yumayaman na si Barbie,” sagot ni Derrick sabay tawa, pero mas natawa ang young actress.

‘So, may balak kang gawin kay Jak?’ tanong ni Eugene Asis, entertainment editor ng People’s Journal.

“Ay, wala po, friends kami lahat,” sagot ng binata sabay baling kay Barbie. “Aagawan pa kita?” sabay tawanan uli.

Ibig sabihin ng dalawang diyaske, si Jak na lang ang liligawan ni Derrick.

Malungkot at nanghihinayang sina Barbie at Derrick sa kapapalabas na pelikula nilang Almost A Love Story dahil na-pullout agad sa mga sinehan.

“Sana kapag napanood na ang malalaking foreign movies, ibalik o kahit i-block screening na lang,” sabi ni Barbie. “Maganda ang movie, hindi dahil kami ang bida, pero ‘yun ang sinasabi ng mga nakapanood. Kahit noong pinanood namin sa premiere night at tuwing block screening, parang nawala sa isip namin ‘yung kung maghi-hit ba siya o kung magba-blockbuster ba siya. Parang na-appreciate namin ‘yung movie itself na parang proud kami na ginawa namin ang movie na ‘yun.”

Muling magkatambal sina Barbie at Derrick sa Inday Always Love You kasama sina Kim at Juancho. Umaasa silang makakabawi sila sa seryeng ito.

“Hindi lang po sabunot ang inaabot ni Barbie sa akin, kung anu-ano ang mga itinatapon ko sa kanya, kaya pagkatapos ng take, nagso-sorry ako,” kuwento ni Kim. “Nakakatakot lalo na minsan, may isang eksena kaming tatlo, sabi ni Derrick, ‘O, huwag mong ihagis itong lamp ha? Pero hindi ko napigilam, kapag take na nawawala sa isip ko.”

“Hinagis niya ‘yung lamp,” sabi ni Derrick, “nasalo ko, pak! Hindi mahal ‘yung lang, pero may bayad ‘to.”

Sa direksiyon ni Monti Parungao, ito ang unang serye ni Barbie na produced ng New and Current Affiars department ng Siyete, na gustong ipakita sa national TV ang magagandang lugar sa Cebu na hindi pa masyadong nai-explore. Nakatakda na itong mag-pilot ngayong buwan.

“Happy Lou ang pangalan ng character ko,” sabi ni Barbie.

“Blanco ang apelyido,” natatawang dugtong ni Derrick, “Happy Lou Blanco.”

Ang sarap maging bagets, napapasaya at napapatawa ka pa ng kahit mga simpleng bagay.