N’DJAMENA (AFP) – Nagbitiw ang prime minister ng Chad at ang kanyang gobyerno nitong Huwebes, ayon sa presidential statement, sa pagkakabisa ng kontrobersiyal na mga pagbabago sa konstitusyon para palakasin ang kapangyarihan ni President Idriss Deby.

Iginiit ni Deby – mahigit dalawang dekada na sa kapangyarihan sa mayaman sa langis na African state – na kailangan ang mga pagbabago.

Sa hakbang na ipinasa ng mga mambabatas nitong Lunes, itatatag ang full presidential regime nang walang prime minister o vice president.

Sa pahayag na binasa sa national television nitong Huwebes, inanunsiyo ang pagbaba ni Prime Minister Albert Pahimi Padacke at ng kanyang gobyerno.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina