Ni Marivic Awitan

 LAST HURRAH! Itinaas ni graduating student Marck Espejo ng Ateneo ang ikalimang MVP trophy, habang masayang tinanggap ng mga top women’s awardees sa pangunguna ni MVP (ikalawa mula sa kaliwa) Jaja Santiago ng National University ang mga parangal sa pagtatapos ng UAAP Season 84 volleyball tournament nitong Miyerkules sa Araneta Coliseum. (RIO DELUVIO)


LAST HURRAH! Itinaas ni graduating student Marck Espejo ng Ateneo ang ikalimang MVP trophy, habang masayang tinanggap ng mga top women’s awardees sa pangunguna ni MVP (ikalawa mula sa kaliwa) Jaja Santiago ng National University ang mga parangal sa pagtatapos ng UAAP Season 84 volleyball tournament nitong Miyerkules sa Araneta Coliseum. (RIO DELUVIO)

MAGKAHALONG lungkot at kaligayahan ang naramdaman nina De La Salle University women’s volleyball team players Dawn Macandili, Mary Joy Baron at Kim Kianna Dy sa panibagong tagumpay ng Lady Spikers.

Walang kahulilip ang saya ng tatlo sa ikatlong three-peat ng Taft-based volleybelles sa pamosong UAAP women’s volleyball nang pabagsakin ang Far Eastern University Lady Tamaraws sa championship match.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Subalit, hindi naitago ng tatlo ang kalungkutan bunsod nang katotohanan na ito na ang kanilang huling playing days sa collegiate league.

Tulad nila, ganito rin ang pakiramdam ni Lady Spikers coach Ramil de Jesus sa napipintong paglisan ng mga inalagaang players sa graduation.

“Honestly,hindi ako nahirapan magturo sa kanila dahil bukod sa mababait talagang talented sila,” ani de Jesus. “Hindi lang basta talented, napaka hardworking nila kaya sila umabot sa level kung saan sila naron ngayon.

Si Macandili ang tinanghal na UAAP Season 80 Finals MVP at si Dy ay naging Finals MVP din noong Season 78 at si Baron na dating league Best Blocker ay naging MVP din noong Season 79.

Nakatatlong titulo ang tatlo sa loob ng limang sunod nilang finals appearances sa kanilang collegiate career.

Bibihira at kilalang hindi nagbibigay ng kaukulang papuri sa kanyang mga manlalaro, hindi kinimkim ni De Jesus ang nararamdamang pasasalamat para sa kanyang tatlong players.

“I’m thankful that they’ve reached this point. They’re now among the heroes of volleyball now,” ani De Jesus.

Gaya ni De Jesus malaki rin ang pasasalamat ng tatlo sa kanilang mentor.

“Sobrang thankful po ako kay coach Ramil kasi kung di naman dahil sa kanya wala rin ako rito, “ ani Macandili.

“Talagang grateful ako na nabigyan ako ng chance na mailabas yung kakayahan ko, naging very patient siya sa amin,” pahayag ni Dy.

“Sa pagpasok namin sa La Salle, alam namin maraming talented players kaya kailangan talaga mag work hard para mapansin ni coach. “

“Hindi talaga ugali ni coach na mag praise. Basta ang alam namin na gusto nya hindi kami dapat makuntento sa kung anong meron ka, kailangan palaging gusto mong mag improve at matuto,” ayon naman kay Baron.