Ni Merlina Hernando-Malipot

Kinuwestiyon ng grupo ng mga guro sa pampublikong paaralan ang plano ng pamahalaan na kaltasan ng buwis ang matatanggap nilang honorarium sa pagseserbisyo nila sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Mayo 14.

Sa pahayag ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), iginiit nitong hindi makatarungan ang limang porsiyentong kaltas sa honoraria at travel allowances na matatanggap ng Board of Election Tellers (BET) kapalit ng kanilang serbisyo sa eleksiyon.

Una nang inihayag ng pamahalaan na handa na ang honoraria at allowance ng BET, ngunit papatawan ito ng limang porsiyentong withholding tax, alinsunod rin sa inilabas na desisyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) nitong Abril 14.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

“Taxing the election service honorarium is unfair,” sabi ni ACT Secretary General Raymond Basilio.

Paglalahad ni Basilio, ang mga gurong magbabantay sa halalan ay pawang Teacher 1 at Teacher II, na ang taunang kita ay hindi aabot sa P250,000, kahit dagdagan pa ito ng poll honorarium.

“If this pushes through, it only shows how insincere the government is in lowering the income tax of the low-income earners,” ani Basilio.