Ni Tara Yap
Sinimulan nang imbestigahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kung saan nanggaling ang tubo na natagpuan sa dalampasigan ng isla ng Boracay.
“We are looking where the pipe originated. We couldn’t penetrate the area yesterday because there were too many debris,” sabi ni Atty. Richard Favila, hepe ng DENR sa Boracay.Sa tulong ng Department of Public Works and Highways (DPWH), nadiskubre ng DENR ang nasabing tubo sa Station 2 beachfront at ito ay sa tapat lamang ng isang kilalang resort.
Aniya, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa mga residente na may nakabaong malaking tubo sa lugar.
Sa paunang imbestigasyon, natukoy na mabaho at mabula ang lumalabas na tubig sa naturang tubo.
Kumuha na rin ng sample ng tubig ang Environmental Management Bureau (EMB) ng DENR, upang matukoy kung pasado sa safety standards ang tubig sa dalampasigan.