Ni EDWIN ROLLON

NAKIISA na ang muaythai, sunod na ang volleyball.

 MAAYOS ang naging pagpupulong ni GAB Chairman Baham Mitra sa mga stakeholders ng sumisikat na sports na muaythai kung saan nagkakaisa ang lahat para sa pagbuo ng Professional Muaythai Council of the Philippines . (GAB PHOTO)

MAAYOS ang naging pagpupulong ni GAB Chairman Baham Mitra sa mga stakeholders ng sumisikat na sports na muaythai kung saan nagkakaisa ang lahat para sa pagbuo ng Professional Muaythai Council of the Philippines . (GAB PHOTO)

Ibinalita ni Games and Amusement Board (GAB) Chairman Baham Mitra na nakatanggap ang ahensya ng positibong aksiyon mula sa Philippine Super Liga (PSL) upang mapag-usapan ang katayuan bilang isang lehitimong professional league.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Nakausap ko na si dating PSC Chairman Popoy Juico. He is now the PSL chairman y maayos naman ang paliwanag ko na tinanggap naman niya,” pahayag ni Mitra sa panayam kamakailan sa TOPS (Tabloids Organization in Philippine Sports).

“He has a positive thought about it. Sabi niya ilalahad niya ito sa kanilang Board meeting.”

Patuloy ang panawagan ni Mitra sa isa pang volleyball organization – ang Premier Volleyball League (PVL) – upang makipag-ugnayan at makiisa sa GAB para maprofessionalized ang kanilang hanay.

“Actually, sa GAB permit lang at lisenya ng mga players ang kailangan namin. Hindi kami nakikialam sa organization nila. Masasabi ko kung professional na kayo, hindi bam as maraming sponsors ang papasok sa inyo dahil lehitimo kayo,” sambit ni Mitra.

“Once we have collected this government share, we will send it to the National Treasury. The money will not even go to the GAB,” aniya.

Inamin ni Mitra na lumawak at tumaas ang pagtingin ng sambayanan sa volleyball kumpara sa nakalipas na taon.

“Hindi maikakaila na maganda na ang tinutungo ng professional volleyball sa bansa ngayon. Parang PBA na din.Madami nang magagaling na players at magagandang laro. Madami na ang nanonood, hindi lang sa venue kundi pati sa TV,” pahayag ni Mitra.

Iginiit ni Mitra sa mga liga na unawain ang GAB sa kanilang ginagawa dahil ito ang kanilang mandato hindi lamang para sa PBA at boxing.

“As a matter of fact, GAB has jurisdiction in all professional sports, including its athletes and officials,” sambit ni Mitra, dating Palawan Congressman at Governor.

“The definition is very clear even during my meeting with Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Butch Ramirez. All athletes who represent the country in international competitions should be under the PSC. All athletes who play for pay and compete to earn living are under the supervision of GAB.”