NAKISALO sa unahang puwesto sina Filipino International Masters Haridas Pascua at Oliver Dimakiling kasama si eventual champion International Master Marcos Llaneza Vega ng Spain sa pagtatapos ng 45th Selangor Open Chess Tournament nitong Martes sa Grand Ballroom, Cititel Mid Valley Hotel sa Kuala Lumpur, Malaysia.

TINANGGAP ni Pascua ang premyo matapos makisosyo sa kampeonato sa 45th Selangor Open Chess sa Kuala Lumpur, Malaysia.

TINANGGAP ni Pascua ang premyo matapos makisosyo sa kampeonato sa 45th Selangor Open Chess sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Tinalo ni IM Llaneza Vega si National Master Efren Bagamasbad ng Quezon City sa final round, tungo sa 7.0 puntos mula sa anim na panalo, dalawang tabla at isang talo sa nine-round system at makasalo sina Pascua at Dimakiling.

Panalo si Mangatarem, Pangasinan native at Baguio-based Pascua kontra kay Chan Kim Yew ng Malaysia habang angat ang Davao City bet Dimakiling kontra kay National Master Merben Roque ng Cebu.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Matapos ipatupad ang tie-break points, nakopo ni IM Llaneza ang titulo, nasa ika-2 puwesto naman si Pascua kung saan sumunod ang ika-3 puwesto si Dimakiling.

“Once again our flag has been raised in this foreign land after knowing that our Filipino kababayan International Masters Haridas Pascua and Oliver Dimakiling finished in a tie for first place,” ayon kay Philippine Executive Champion Atty. Cliburn Anthony A. Orbe.

Nakapanghihinayang naman ang pagkatalo nina Chan Kim Yew at NM Roque na magkasama sa liderato patungo sa ninth at final round.

Si Chan Kim Yew ang tumalo kay IM Llaneza Vega sa eight at penultimate round, habang nagbida rin si Roque matapos gulatin si Singapore-based Grandmaster Buenaventura “Bong” Villamayor ng Mauban, Quezon province. Nakapagtala ang dalawa ng identical 6.5 puntos matapos ang Round 8 nitong Lunes. Tabla rin sa Round 8 at hatiaan ng puntos nina Pascua at Dimakiling.

Samantala sina NM Roque at Chan Kim Yew ay tumapos ng seven-way tie sa fourth place.