Kinilala ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pakikibahagi ng ilang sektor sa pagsusulong sa paggamit ng electric vehicle (EV) sa bansa.

Dumalo kamakailan sa 2nd general membership meeting ng Electric Vehicle Association of the Philippines (EVAP), tiniyak ni DTI Secretary Ramon Jimenez ang suporta ng kagawaran sa adbokasiya ng kumpanya na isulong ang electric vehicle transport bilang kauna-unahang EV organization sa ASEAN.

Sa hudyat ni EVAP President Rommel T. Juan, pinangunahan ni Jimenez ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong opisyal ng EVAP na sina Chairman Ferdi Raquel Santos (PhUV, Inc.), President Rommel Juan (MD Juan Enterprises), VP Internal Affairs John Lee (Nito Seiki), VP External Affairs Edmund Araga (Eclimo Electric Management), Treasurer Vicente Co (Manly Plastics), Auditor Ralph Legaspi (Tojo Motors), at Secretary Karl Lyndon Pacolor (EV Wealth).

Kasalukuyang naghahanda ang EVAP para sa 6th Electric Vehicle Summit sa Hulyo 10-11, 2018 sa SMX MOA sa Pasay City.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists