Ni BELLA GAMOTEA

Posibleng umanong “crime of passion” ang motibo sa pagpatay sa kakandidato sanang barangay kagawad sa Pasay City.

Ito ang sinabi sa Balita ni Senior Supt. Nestor Flores, hepe ng Pasay City Police, kaugnay ng pagpatay kay Anthony Echavez y Francisco, 36, negosyante, ng 1852 Cuyegkeng Street, Barangay 4, Pasay City.

Si Echavez ay pinagbabaril ng riding-in-tandem, isang lalaki at isang babae, nitong Abril 30.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ayon naman kay Southern Police District (SPD) director, Chief Supt. Tomas Apolinario sinisilip din ang anggulong love triangle at ang pagtakbo ng biktima bilang barangay kagawad habang may “persons of interest” na rin sa kaso.

Ay o n k a y S r . S u p t . Flores, base sa pahayag ng kinakasama ng biktima na si Carissa Deo Cortez, 27, walang kaaway si Echavez at maayos ang kandidatura nito bilang kagawad para sa nalalapit na May 14 elections.

Ibinunyag umano ni Cortez na may 11 anak, sa iba’t ibang babae, si Echavez at natigil ang pagiging babaero umano nito

nang sila ay magsama.

Ayon kay Flores, bagamat hilaw pa ang crime of passion, nakatutok sila sa pagkalap ng impormasyon kung sinu-sino sa mga nakarelasyon ng biktima ang hindi kasundo ni Echavez.

Bukod dito, sinabi rin umano ni Cortez na posibleng may kinalaman ang pagpatay sa pinatatakbong video karera at tupadahan ng biktima sa lungsod.

Base sa ulat, unang binaril ng lalaking rider si Echavez bago ipinasa ang baril sa babaeng backrider at sinabing, “Oh ayan gumanti ka na”, saka ilang beses pinagbabaril sa katawan ang biktima sa Cuyegkeng St., sa Bgy. 4, dakong 10:35 ng gabi.

May dalawa nang persons of interest ang pulisya at patuloy ang imbestigasyon sa insidente.