Siyam sa sampung tao sa buong mundo ang lumalanghap ng hangin na nagtataglay ng mataas na antas ng polusyon, ayon sa huling datos na inilabas ng World Health Organization (WHO). Tinataya ng ahensiya na ang polusyon ay nagiging dahilan ng pagkamatay ng 7 milyong katao bawat taon.
Ang bagong bilang mula sa WHO ay sinusukat ang dami ng pollutants sa hangin sa mahigit 4,300 lungsod, bayan at iba pang settlements sa 108 ansa sa buong mundo. Mas maraming lungsod na ngayon ang nagmo-monitor ng kanilang air quality.
“We are seeing an acceleration of political interest in this global public health challenge,” sinabi ni Dr Maria Neira, WHO Director of Public Health, Environmental and Social Determinants of Health.
“The increase in cities recording air pollution data reflects a commitment to air quality assessment and monitoring.
“Most of this increase has occurred in high-income countries, but we hope to see a similar scale-up of monitoring efforts worldwide.”
“There is no doubt that air pollution represents today, not only the biggest environmental risk for health, but this is a major challenge for public health at the moment – probably one of the biggest ones we are contemplating,” diin niya.