NI Genalyn D. Kabiling

Pursigido ang gobyerno na mapabuti ang labor situation sa bansa matapos iulat ng isang research group na mahigit isang milyong katao sa bansa ang napabilang sa underemployed at part-time workers.

“Government continues to address and improve the labor situation in the country,” sinab ni Presidential spokesman Harry Roque sa isang pahayag.

Sa huling labor force data, sinabi ng IBON Foundation na ang bilang ng underemployed ay tumaas sa 7.5-M sa Enero ngayong taon, mula sa 6.4-M noong Enero 2017. Tumaas din ang bilang ng part-time workers sa 14.7-M nitong Enero 2018 mula sa 13.4-M noong Enero 2017.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Gayunman, binigyang–diin ni Roque na tumaas ang employment rate ng bansa at bumaba naman ang unemployment rate sa ilalim ng pamamahala ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“While the number of underemployed and part-time workers grew in January 2018 compared to the same period last year, it is noteworthy to mention that the number of employed persons increased to 41.8 million in January 2018 from 39.3 million in January 2017,” aniya.

Sinabi niya na tumaas ang employment rate sa 94.7 porsiyento nitong Enero 2018 mula sa 93.4% noong Enero 2017. Bumaba rin ang unemployment rate sa 5.3% nitong Enero 2018 mula sa 6.6% noong Enero 2017, ayon kay Roque.

Sa survey ng Social Weather Stations (SWS) kamakailan, lumutang na 10.9-M Pinoy sa bansa ang walang trabaho.

“We take note of the latest Social Weather Stations (SWS) survey showing adult joblessness at 23.9% in March 2018 compared to 15.7% last December 2017,” ani Roque.

“We remain optimistic that with the implementation of our Build-Build-Build Infrastructure Plan, we would be able to generate more job opportunities to many of our countrymen,” aniya.