Nina BELLA GAMOTEA at ROY C. MABASA

Ikinalugod ng gobyerno ng Pilipinas ang pahayag ni Kuwait Deputy Foreign Minister Khaled Al- Jarallah nitong Linggo na handa ang gobyerno nito na makipagtulungan sa Manila para matugunan ang mga hinanaing ng overseas Filipino workers (OFWs).

“This gesture on the part of Kuwait, a country with which we have a shared history and strong people-to-people ties, will allow us to move forward and hurdle the challenges we face,” sinabi ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.

Nagpapasalamat ang Pilipinas sa garantiyang ibinigay ng Kuwait na makikipagtulungan ito sa pagprotekta sa mga karapatan at kapakanan ng OFWs roon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“This is a shared goal that should be pursued with willingness to understand and respect where each side is coming from. We affirm our friendship with the government of Kuwait and its people,” pahayag ng DFA chief.

Ayon kay Cayetano, nakadepende ang pag-alis ng deployment sa paglalagda ng memorandum of understanding (MOU) na nakaangkla sa magandang relasyon at proteksiyon ng OFWs sa Kuwait.

“The President said that for as long as the 100 percent of Filipinos are not protected, for as long as there’s no agreement and implementing mechanism that would protect all Filipinos, he will not lift the ban and sign the agreement,” ani Cayetano sa mamamahayag sa Cebu City kung saan dumalo siya sa pagdiriwang ng Labor Day kasama si Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang miyembro ng Gabinete.

“So the lifting of the ban will be contingent on the signing of the agreement, which is contingent [on] the good relationship and the assurance that they (OFWs) will be protected,” aniya.

Kabilang sa mga isyung dapat tugunan bago ang paglalagda sa kasunduan ay ang 800 (OFWs) na kasalukuyang nasa shelter; 120 iba pa na kailangang i-rescue; diplomats na hindi makaalis ngayon sa Kuwait dahil sa pending arrest warrants na inilabas ng Kuwaiti authorities; at mga kasong nakabitin pa rin at kailangan nang umusad.

“We have asked our Kuwaiti counterparts to look [into] that,” aniya.

Inamin ng DFA chief, na halos 96% ng mga Pilipino sa Kuwait ay maayos ang trabaho dahil “Kuwaitis look at them like family members.”

Kayat kanilang pinagtutuunan ang 3-4% ng mga kaso mula sa isyu ng kanilang pagkain, labis-labis na pagtatrabaho, o pananakit na minsan ay nauuwi sa kamatayan.