Ni Bella Gamotea

Arestado ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa buy-bust operation sa Taguig City, nitong Lunes ng gabi.

Naghihimas ng rehas sa Taguig City Police si Jewell Martinez y Caballero, 21, ng Block 14 Sultan Kudarat Street, Barangay Maharlika ng nasabing lungsod.

Sa ulat na ipinarating ng Southern Police District (SPD), nagkasa ng buy-bust operation ang pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa pangunguna ni Senior Insp. Mangohan; SPD; at RO-NCR PDEA laban sa suspek sa bahay nito dakong 8:20 ng gabi.

Binentahan umano ng suspek ng droga sina PO2 Dogaojo at PO1 Deinla na nagsilbing poseur buyer.

Politics

Giit ni SP Gatchalian: 'Sineseryoso ko ang trabaho!'

Nakumpiska kay Martinez ang tatlong pakete ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

Sasampahan ang suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.