Ni REGGEE BONOAN

HABANG isinasagawa ang presscon ng MNL48 nitong Lunes ay nakatanggap kami ng sunud-sunod na mensahe mula sa mga kaibigan naming nasa Las Vegas, Nevada na nanood ng This Is Me concert tour ni Sarah Geronimo sa Cannery Resorts & Casino North noong Linggo ng gabi at sinabing nawalan ng boses ang singer/ actress.

Sarah -crying

“Habang kumakanta si Sarah, malungkot siya maski na fast song ‘yun. Parang gusto na lang niyang itawid ang show,” kuwento ng mga kaibigan namin.

Relasyon at Hiwalayan

'The easiest yes!' Jose Manalo, Gene Maranan engaged na!

Banggit ng ilang nakakakilala kay Sarah na kaharap namin, “Hindi kasi siya nakakapagpahinga, after ng show niya rito sa Pilipinas, lumipad na kaagad siya, hindi man lang nakahinga.”

Hirit naman ng kilalang TV reporter, “Nagrereklamo na nga siya sa pagod, hindi naman pinapansin ang reklamo niya, imagine pagbalik niya rito diretso pa siya sa shooting ng Miss Granny.”

Ilang beses nang napapabalitang nagpahayag si Sarah na pagod na siya at dumating pa nga sa puntong tumigil siya ng halos dalawang buwan at bumalik lang ulit bilang coach sa The Voice Kids.

Banggit ng kaibigan naming nakapanood ng show sa Las Vegas, nu’ng lumabas ng entablado si Sarah ay humingi na agad siya ng dispensa.

“I’m so sorry. I hope na kayanin ko i-survive itong gabing ito because you paid. At gumastos po kayo na mabigyan ko kayo ng entertainment. I’m sorry.”

Sabay sabing, “Bakit I feel empty? Hindi ‘yung successful na shows o ‘yung mga hits ang makakapagkumpleto sa ‘yo, ang makakapagpasaya sa ‘yo bilang isang tao, kundi ‘yung tunay na pagmamahal na hindi nagbabago, perpekto ka man o hindi.”

Sa post ng isa na kuha habang kumakanta si Sarah ng Forever’s Is Not Enough, hindi niya naabot ang mataas na parte, tumalikod sa audience, pumunta sa backstage at hindi na tinapos ang kanta.

May kuha rin na sinalubong si Sarah ng mga nanood ng concert at panay ang hingi niya ng pasensiya at sinagot siya ng, “No! walang pasensiya, you put up a very good show, mas lalo kaming (humanga), good job, you have a big heart!” habang nasa background si Mommy Divine na awang-awa sa anak.

Sa kabila ng nangyari ay successful naman ang Las Vegas show dahil sold out daw ang tickets.

May natitira pang dalawang concert si Sarah sa Chicago (May 4) at New York City (May 6).

Kinakailangang bumalik kaagad ni Sarah ng Pilipinas pagkatapos ng NYC show dahil tatapusin pa niya ang Miss Granny movie kasama sina James Reid at Xian Lim mula sa direksyon ni Joyce Bernal under Viva Films.

Tinext namin si Direk Joyce kahapon habang tinitipa namin ang balitang ito pero hindi niya kami sinagot.