Ni Liezle Basa Iñigo

Nasa 14 na kandidato para barangay chairman at kagawad sa San Carlos City, Pangasinan, ang kabilang sa “narco list” na isinapubliko ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Lunes.

Ibinunyag kahapon ni Supt. Ferdinand de Asis, hepe ng San Carlos City Police, na incumbent sa kani-kanilang posisyon ang 14 na kandidato sa siyudad.

Tatlo sa nasabing bilang ay kapitan habang 11 naman ang kagawad sa magkakaibang barangay.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Binanggit nitong Lunes na isang kagawad lamang sa San Carlos ang nasa narco list ng ahensiya, subalit iginiit ng pulisya sa lungsod na may kabuuang 14 sa listahan ang kakandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Mayo 14.

Ayon kay Supt. De Asis, mahigpit ang isinasagawang monitoring ng pulisya sa nasabing mga kandidato.

Nilinaw naman ni Supt. De Asis sa Balita na tanging si Police Regional Office (PRO)-1 director Chief Supt. Romulo Sapitula ang awtorisadong pangalanan ang nasa narco list ng PDEA.