PARIS (AFP) – Halos 200 protesters ang inaresto nitong Martes sa May Day riots sa central Paris, kung saan sinunog ng mga kabataan ang isang McDonald’s restaurant at ilang sasakyan sa martsa laban sa mga reporma ni President Emmanuel Macron.

Sumisigaw ng ‘’Rise up, Paris’’ at ‘’Everyone hates the police’’, tinatayang 1,200 katao na nakasuot ng black jackets at face masks ang nakiisa sa tradisyunal na demonstrasyon sa Mayo 1 para sa karapatan ng mga manggagawa.

Isang grupo ng mga nagpoprotesta ang nagwala sa dinaranaan, winasak at sinilaban nila ang McDonald’s restaurant malapit sa Austerlitz station, sa silangan ng lungsod. Sinunog din nila ang ilang sasakyan sa isang car dealership, isang mechanical digger at isang scooter.

Gumamit ang Paris police ng tear gas at water cannon para mabuwag ang mga demonstrador.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'