Ni Mary Ann Santiago

Nanindigan si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na walang puwang ang pananamantala sa mga manggagawa.

Sa kanyang mensahe para sa mga manggagawa para sa Labor Day kahapon, iginiit rin ni Tagle na ang lahat ng mga problema at hinaing ng mga manggagawa ay dapat kaagad na nirereresolba.

“Genuine working conditions are fostered not simply by transactions but by a covenant relationship between partners who respect and protect everyone’s dignity. In a covenant relationship, there is no room for exploitation,” ani Tagle.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Binigyang-diin ng Cardinal na kinikilala ng Simbahan ang paggawa bilang isang aspeto ng human existence at development.

“Through our work, we share in the creative activity of God,” anang Cardinal.

Hinikayat niya ang mga polisiya para sa ikabubuti ng mga manggagawa

“We are convinced that by seeking the common good, focusing on the integral development of each person, and crafting policies that promote a more inclusive, responsible and equitable society, we can overcome obstacles and transform our world of work into one that is grounded on social justice, respect and love,” dagdag niya.