APAT lamang ang nakalinyang stage, ngunit sapat na ang haba ng karera para ipagdiwang ang makasaysayang paglarga ng pinakamalaki – sa dami ng koponang sasabak (17) -- Le Tour de Filipinas (LTdF) na magtatampok sa 85 siklista, apat na rehiyon, pitong lalawigan, 10 lungsod at 50 munisipalidad sa Mayo 20-23.

Magsisimula ang ninth edition sa Stage 1 sa Quezon City Memorial Circle sa Quezon City sa Mayo 20, kung saan tatahakin ng 15 squads at at dalawang tradisyunal na bisita ang lalawigan ng Nueva Ecija sa kapitolyo nito sa Palayan City.

Ang Stage 2 sa May 21 ay magdadala sa mga riders sa Cabanatuan City mula sa Palayan City at tatahakin ang apat pang bayan sa Nueva Ecija bago tumawid sa Balete Summit— mas kilala bilang Dalton Pass— diretso sa Nueva Viscaya patungong Bayombong para sa distansiyang 57.90 kms.

Inorganisa ng Ube Media Inc. sa pakikipagtulungan ng Air21, Cignal at Hyper Channel,ang Stage 3 sa Mayo 22 ay tatahak sa parehong ruta simula sa Bambang sa kabuuang distansiyang 184.00-km stage at tatahak sa Lupao hanggang Umingan, Pangasinan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Masasaksihan ang aksiyon sa lalawigan ng Pangasinan, ang itinututing ‘cycling capital’.

Ang final stage ay may distansiyang 154.65-km sa Mayo 23 kung saan ang mga riders ay magsisimula sa Pangasinan Provincial Capitol diretso sa Rosario at Tuba sa La Union hanggang Kennon Road climb.

Kinikilala ng International Cycling Union (UCI) ang natataging cycling marathon sa bansa.

“The Le Tour de Filipinas is not only about our sport of cycling, but about raising awareness about the sport over as much scope as possible,” pahayag ni Donna Lina, UBE Media Inc. President and race organizer. “And we thank the local government units for their warmth and enthusiasm toward the race.”

“Stage Four will be the crowning stage for this year’s tour,” pahayag ni National Commissaire Sunshine Joy Mendoza. “In the history of the Tour, champions are made—or broken—by Kennon Road.”

Sa kauna-unahang pagkakataon, ang Le Tour de Filipinas ay tatawid sa kabuuang apat na rehiyon -- National Capital Region, Central Luzon, Ilocos Region at Cagayan Valley.