Ni Light A. Nolasco

DIPACULAO, Aurora - Isang 53-anyos na lalaking dumayo lang para magbakasyon ang natagpuang palutang-lutang sa baybayin ng Dinadiawan Beach sa Dipaculao, Aurora, nitong Linggo.

Kinilala ng Dipaculao Police ang nasawi na si Larry Borabo, taga-Caloocan City.

Batay sa pagsisiyasat, nabatid na dakong 8:30 ng umaga nang mag-isang naligo sa dagat si Borabo, na napag-alamang may sakit sa puso.

Probinsya

Tatay na patungo sanang Negros para sa anak na may sakit, nawawala!

May hinala ang pulisya na sinumpong ng atake sa puso ang biktima habang naliligo.