Ni Gilbert Espeña

MAGSISIMULA ang pagiging bigtime boxer ni IBF super flyweight champion Jerwin “Pretty Boy”Ancajas sa Top Rank Inc. ni Hall of Fame promoter Bob Arum bilang main event sa ESPN world championship card sa Mayo 26 sa Selland Arena, Fresno, California sa United States.

Idedepensa ni Ancajas ang korona laban kay No. 1 at mandatory contender Jonas “Zorro” Sultan na isa ring Pilipino. Ito ang unang all-Filipino world title bout mula nang matagumpay na idepensa ni Hall of Famer at dating undisputed world flyweight champion Pancho Villa ang kanyang world flyweight title kay top contender Clever Sencio noong Mayo 2, 1925 sa Luneta Park sa Maynila.

May magandang rekord si Ancajas na 29-1-1 na may 20 panalo sa knockouts at naidepensa na niya ang belt laban kina Jose Alfredo Rodriguez ng Mexico, Teiru Kinoshita ng Japan, Jamie Conlan ng United Kingdom at Israel Gonzalez na isa ring Mexican.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Hindi naman pipitsuging kalaban si Sultan na umangat bilang top contender ng IBF matapos sunod-sunod na talunin sina one-time world title challenger Makazole Tete ng South Africa, ex-WBC at Ring Magazine flyweight champion Sonny Boy Jaro at three-time world titlist John Riel Casimiro, kapwa ng Pilipinas.

Sa undercard, idedepensa naman ni WBA super flyweight ruler Kal Yafai ng Great Britain ang kanyang korona kay David Carmona ng Mexico.

Inaasahang magsasagupa sina Ancajas at Kafai sa unification title bout kung kapwa maipagtatanggol ang kanilang koronan.