Ni AARON RECUENCO

Dahil sa galit, na nag-ugat sa simpleng away-trapiko, nalagay sa alanganin ang police career ng tatlong magkakapatid matapos nilang sumugod sa bahay isang motorista sa Caloocan City upang kumprontahin.

Ang pagiging “malupit” ng magkakapatid sa kasagsagan ng kumprontasyon ay nakunan ng video ng biktima at kanyang kapitbahay at naging viral nang i-upload sa Facebook.

Sa masamang balita, ang video ay napanood ng ilang police officials na kinabibilangan ni Director General Oscar Albayalde na kanilang boss, bilang hepe ng Philippine National Police (PNP).

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Bilang resulta, ipinag-utos kahapon ni Albayalde ang pagsibak sa magkakapatid na sina Police Officer 3 Ralph Soriano, nakatalaga sa Northern Police District; PO1 Rendel Soriano, ng Caloocan City Police; at PO1 Reniel Soriano, ng PNP Drug Enforcement Group.

“The Chief PNP has ordered their immediate relief after their video went viral on the social media confronting a man at his residence after a traffic altercation,” sabi ni Chief Supt. John Bulalacao, tagapagsalita ng PNP.

Nag-ugat ang insidente sa road accident kung saan ang sasakyan ng biktimang si Ricardo Malaya ay niragasa umano ang sasakyan ni PO1 Reniel.

Tinawagan umano ni Reniel ang dalawa niyang kapatid at sumugod sa bahay ni Malaya upang kumprontahin hinggil sa aksidente.

Sa nag-viral na video, mapapanood na kinukuwestiyon ng pamilya ng biktima ang mga suspek sa pagbibitbit ng baril dahil kasalukuyang ipinatutupad sa buong bansa ang gun ban.

Sinabi ni Bulalacao na dahil kilala si Albayalde bilang istrikto sa pagdidisiplina, galit ang huli sa napanood na video ng magkakapatid na Soriano.

“Police Director General Oscar Albayalde reiterated that police officers must always showcase discipline and should conduct themselves properly all the time,” sabi ni Bulalacao.

Gayunman, h i n d i r i t o natatapos ang masamang balita para sa magkakapatid na pulis dahil sasampahan din sila ng kaso.

Ayon kay Bulalacao, sinimulan na ng hepe ng Caloocan City police, si Senior Supt. Restituto Arcangel, ang imbestigasyon laban sa tatlong pulis.

Kabilang sa mga isasampang kaso laban sa magkakapatid ay grave threat, grave oral defamation and alarm and scandal at paglabag sa Omnibus Election Code.

Bukod dito, sasampahan din ang tatlo ng kasong administratibo na ang pinakamatinding hatol ay pagsibak sa serbisyo.