KATATAPOS lang ng pakikidigma laban kay Bill Cosby, hinikayat naman ngayon ng Time’s Up Movement for gender equality nitong Lunes ang music business na huwag nang tanggapin si R&B star R. Kelly.

R. Kelly

Nahaharap ang mang-aawit – na ilang taong nang naririnig ang boses sa kanyang sikat na kantang I Believe I Can Fly sa ilang alegasyon ng maling pagtrato sa mga batang kababaihan.

Itinuturing ng movement na ang paghatol kay Cosby ay “just a start,” at hinimok ng Women of Color division ng Time’s Up ang lahat ng tao “everywhere to join with us to insist on a world in which women of all kinds can pursue their dreams free from sexual assault, abuse and predatory behavior.”

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Gamit ang social media campaign na #MuteRKelly, hinikayat ng women’s movement ang record label ng singer gayundin ang streaming services na Spotify at Apple Music na huwag tangkilin ang mga awitin ni R. Kelly at kanselahin ang kanyang concert sa Greensboro Coliseum sa North Carolina na nakatakda sa Mayo 11.

“We demand appropriate investigations and inquiries into the allegations of R. Kelly’s abuse made by women of color and their families for over two decades now,” saad sa pahayag ng Women of Color of Time’s Up.

“And we declare with great vigilance and a united voice to anyone who wants to silence us -- their time is up.”

Naalis na agad ang singer sa lineup ng mga magtatanghal sa concert sa Sabado sa University of Illinois sa Chicago dahil sa petisyon.

Humingi naman ng paumanhin sa pamamagiyan ng Instagram nitong Linggo si Kelly -- tubong Chicago na nakatira sa Trump Tower sa Midwestern metropolis – sa kanyang fans sa hindi niya pagdalo sa concert.

“I never heard of a show being canceled because of rumors. But I guess there’s a first time for everything,” sabi niya sa video.

Napawalang-sala si Kelly, 51, noong 2008 sa mga kaso ng child pornography, makarang iulat ng Chicago Sun-Times ang video ng umano’y pakikipagtalik nito sa isang batang babae.

Nitong Abril, nagsampa ng kaso ang isang babae sa Dallas police, dahil sa umano’y panghahawa ni Kelly ng sexually transmitted disease, noong magkarelasyon pa sila, na nagsimula noong siya ay 19 na taong gulang.

At nitong nakaraang taon, iniulat ng BuzzFeed News na hawak ni Kelly ang anim na babae sa virtual slavery, at may kapangyarihan ito para kontrolin ang kanilang pananamit, diet at pakikipagtalik, na umano’y itinatala nito.

Itinanggi ni Kelly ang lahat ng alegasyon laban sa kanya. Nitong nakaraang taon, aniya, siya ay “alarmed and disturbed” dulot ng report ng kanyang umano’y sex cult.