LIMA (AFP) – Pinalaya si Peruvian ex-president Ollanta Humala at ang kanyang misis sa preventative detention bago ang kanilang corruption trial, sinabi ng mga awtoridad nitong Lunes.

Nakakulong ang mag-asawa simula pa noong Hulyo habang hinihintay ang paglilitis sa kasong money laundering. Inaakusahan sila ng pagtanggap ng milyun-milyong dolyar na illegal campaign donations mula sa Brazilian construction giant na Odebrecht bago ang 2011 election.

Isa si Humala, namuno sa Peru mula 2011 hanggang 2016, sa apat na dating pangulo ng Peru na idinadawit sa Odebrecht corruption scandal ng Latin America – ngunit siya lamang ang nakulong
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina