Ni Leslie Ann G. Aquino

Inilabas ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang pamantayan sa suweldo para sa Mayo 1, 2018 (Labor Day), na isang regular holiday.

Batay sa Labor Advisory No. 07, ang mga sumusunod ang patakaran sa suweldo sa regular holidays:

Kapag ang empleyado ay hindi nagtrabaho, siya ay tatangap ng 100 porsiyento ng kanyang suweldo sa isang araw.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Para sa mga nagtrabaho ngayong regular holiday, ang empleyado ay babayaran ng 200% ng kanyang regular na suweldo sa unang walong oras.

Kapag lumagpas sa walong oras (overtime work), siya ay babayaran ng karagdagang 30% ng kanyang hourly rate. Para sa nagtrabaho sa regular holiday na natapat din sa kanilang rest day, siya ay babayaran ng karagdagang 30% ng kanyang daily rate na 200%.

Para sa overtime work sa regular holiday na natapat sa rest day, ang empleyado ay babayaran ng karagdagang 30% ng kanyang hourly rate