BOSTON (AP) — Wala ang liderato ng beteranong si Kyrie Irving. Ngunit, nananatiling malupit ang Boston Celtics – salamat sa second stringer na si Terry Rozier.

IMPESIBONG numero – 11-of-18 sa field goal, tampok ang 7-of-9 sa three-point, ang isinalansan ni Terry Rozier para sa Boston. (AP)

IMPESIBONG numero – 11-of-18 sa field goal, tampok ang 7-of-9 sa three-point, ang isinalansan ni Terry Rozier para sa Boston. (AP)

Naging starter matapos magtamo ng injury si Irving bago sa pagtatapos ng regular season, muling humarurot ang point guard na si Rozier sa natipang 29 puntos para sandigan ang Celtics sa 117-101 panalo kontra Philadelphia Sixers sa Game 1 ng kanilang Eastern Conference semifinals nitong Lunes (Martes sa Manila).

Hataw din si rookie forward Jayson Tatum sa natipang 28 puntos.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nakatuon ang atensyon sa tikas nang ‘promising star’ ng Sixers na sina Simmons at Joel Embiid, ngunit, nailampaso sila ng karanasan ng Celtics, sa pangunguna ni three-year veteran Rozier.

Nanguna si Embiid sa Philadelphia sa naiskor na 31 puntos at 13 rebounds, habang kumana si Simmons ng 18 puntos at pitong rebounds.

Gaganapin ang Game 2 sa Huwebes (Biyernes sa Manila) sa Boston.