PINATUNAYAN ni Dr. Jenny Mayor na isa pa rin siya sa Philippines’ top executive chess players matapos magkampeon sa Philippine Executive Chess Association (PECA) 4th leg Alphaland National Executives Chess Circuit Visayas Leg nitong Sabado sa Kubo Bar Garden and Restaurant sa Kalibo, Aklan.
Isinahimpapawid ng live worldwide ang torneo sa YouTube at Facebook channel ng National Chess Federation of the Philippines.
Giniba ni Mayor si National Master Francis Jocson sa sixth at final round tungo sa 5.5 points mula limang panalo at isang tabla.
“First of all I would like to thank God for winning this prestigious national executive chess tournament. My wife who is always beside me and my relative and friends as well,” sabi ni Mayor, isang magaling na dentista na nakabase sa Quaipo, Manila at seven-times Philippine Executive Champion.
Sa pagkapanalo sa Philippine Executive Chess Association (PECA) 4th leg Alphaland National Executives Chess Circuit Visayas Leg, nakopo ni Mayor ang top prize P10,000 plus elegant trophy.
Kabilang sa mga naitalang panalo ni Mayor ay kontra kina Jose Piff Ampuller sa first round, John Franz De Asis sa second round at Atty. Cliburn Anthony A. Orbe sa third round.
Tabla siya kay National Master Wilfredo Neri sa fourth round kasunod ng pag-giba kay Santi Jarloc sa fifth round at pagpapayuko kontra kay NM Jocson sa sixth at final round.
Tumapos si Atty. Cliburn Anthony A. Orbe ng second overall mula 5.0 points tungo sa runner-up prize P7,000 plus elegant trophy. Matapos matalo sa third round match kay eventual champion Mayor ay nakabalik sa kontensiyon si Orbe ng talunin sina Anthony Arcangeles sa fourth round, NM Neri sa fifth round at Jarloc sa final canto.
Magkasalo naman sina Arcangeles at Hanz Tutica sa 3rd at 4th spots na may tig 4.0 puntos.
Nanguna naman si NM Neri sa huge group ng 3.5 pointers kasama sina NM Jocson, Susan Neri, Dioniver “Bobot” Medrano at Pericles Chua.
Mismong sina PLDT MVP Olympics team manager Martin “Binky” Gaticales, Chief arbiter National Master Carlito Lavega at Cyril Telosforo ang nanguna sa closing rites.
Samantala, susulong na ang 5th leg Philippine Executive Chess Association (PECA) Alphaland National Executives Chess Circuit Mindanao Leg sa Mayo 26, 2018 na gaganapin sa Punta Isla Lake Resort sa Lake Sebu, South Cotabato.
May developmental Kiddies event ang simultaneously na isasagawa. Mag call o text kay Mr. Lito Dormitorio sa 0949-374-1967 para sa dagdag detalye. Magpatala sa BDO Account ni Treasurer NM Efren Bagamasbad.