Ni Bella Gamotea

Sasailalim sa inquest proceedings sa Makati City Prosecutor’s Office ang isang binata matapos umano nitong gahasain ang kanyang 26- anyos na babaeng kapitbahay sa lungsod, nitong Linggo.

Nahaharap sa paglabag sa New Rape Law (RA 8253) si Mark Lawrence Carrion y Moran, 23, ng Barangay Pembo, Ma k a t i , matapos siyang ireklamo ng umano’y biniktima niyang babae, na may kinakasama.

S a i n i s y a l na u l a t ng Southern P o l i c e D i s t r i c t (SPD), nangyari umano ang panghahalay sa panulukan ng Sampaguita at J.P. Rizal Streets sa Bgy. Comembo, dakong 5:00 ng umaga.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Bagamat hindi idinetalye ang pangyayari sa report, nabat id na mismong ang biktima ang nagsumbong sa mga tauhan ng Bantay Bayan sa lugar na sanhi ng agarang pagkakaaresto kay Carrion.