Ni Bert De Guzman
Inaprubahan ng House Special Committee on Food Security ang panukalang batas na lumilikha sa supplemental feeding program upang matugunan ang pangangailangan sa nutrisyon ng mga sanggol at nagpapasusong ina.
Pinagtibay ng komite ni Rep. Leo Rafael Cueva ang panukalang “Supplemental Feeding Program of the National Nutrition Council.”
Pinalitan ng aprubadong panukala ang House Bills 247, 767, 3419 at 3937 na inakda nina Reps. Gabriel Bordado, Emmeline Aglipay-Villar, Jorge Banal, at Kaka Bag-ao.
Layunin nitong ma-institutionalize ang Supplemental Feeding Program sa ilalim ng National Nutrition Council (NNC) upang makaagapay sa national school feeding program, para isulong ang karapatan sa kalusugan ng mamamayan.