ANG 66th FAMAS Awards Gabi ng Parangal na kikilala sa tagumpay ng Filipino movies na ginawa noong 2017 ay nakatakdang ganapin sa Hunyo 10, Linggo sa The Theatre sa Solaire.
Itinatag noong 1952, ang FAMAS Awards ay presented ng Philippine Academy of Arts and Sciences ng Pilipinas at itinuturing nang isa sa mga pinakapopular na tagapagbigay parangal sa industriya ng pelikula sa Pilipinas.
Ang lahat ng mga pelikula sa Pilipinas na ipinalabas noong 2017 na at least ay may isang araw na commercial screening ay kuwalipikado para sa mga parangal sa taong ito.
Kabilang sa mga kategorya ng parangal ang Picture, Director, Actress, Actor, Supporting Actress, Supporting Actor, Original Screenplay, Adapted Screenplay, Cinematography, Editing, Production Design, Music, Original Song, Sound at Special Effects. Sa taong ito, magkakaroon din ng mga parangal sa Documentary at short films. Ang publiko ay makakalahok din sa pagpili ng Audience Choice Awards for Picture, Actor at Actress.
Sa unang pagkakataon, ang mga nanalo ng FAMAS AWARDS ay pipiliin ng isang independent jury na binubuo ng movie practitioners, academicians at critics headed ng award-winning scriptwriter na si Ricky Lee.
Ang mga nominado ay ia-announce sa Mayo 3, 2018 sa Victorino’s restaurant sa Quezon City.
Ang Megavision Integrated Resources, Inc. ang producer ng ika-66 FAMAS Gabi ng Parangal kasama si Donna Sanchez bilang executive producer. Para sa mga katanungan magpadala lamang ng email sa [email protected].
Ang Film Development Council of the Philippines ay ang official government partner ng 66th FAMAS Awards.