Ni Remy Umerez

NABAGO ang daigdig ni Dina Bonnevie nang maging misis siya ni Congressman Deogracias Victor “DV” Savellano ng 1st district ng Ilocos Sur.

“I personally attend to livelihood programs tulad ng pagmamanukan at piggery. Hinihikayat ko silang magtanim ng gulay sa kanilang mga backyard. Muli naming binuhay ang weaving industry at tumutulong ako sa pagma-market nito. Tanyag ang Vigan longanisa, a product na best seller, ‘ka nga. Hangad kong matulungan at umunlad ang kanilang kabuhayan. Mas fulfilling ito kumpara sa mga acting awards na natanggap ko,” paliwanag ng aktres.

Palatandaan ba ito ng pagpasok niya sa pulitika?

Tsika at Intriga

Gretchen kumain ng 'piattos' habang pinanonood si PBBM: 'The New Teleserye'

“Ay naku, wala akong interes na pasukin ang magulo at madugong daigdig ng politics. Sapat nang sinusuportahan ko ang mga proyekto ng asawa ko,” patapos na wika ng akrres.

Napapanood si Dina sa Blood Sisters bilang Debie Almeda, ina ng triplets na ginagampan ni Erich Gonzles.

Open book ang buhay ni Dina Bonnevie sapul ng madiskubre at ipakilala siya sa pelikulang Katorse 38 years na ngayon ang nakalilipas.