Ni Agence France Press

MULING gumawa ng record sa North American box office ang Avengers: Infinity War dahil sa pagtabo nito ng $257.7 million nitong nakaraang linggo, ayon sa industry data na inilabas nitong Lunes.

Avengers Infinity War copy

Mapapanood sa Avengers ang pinakabagong Marvel heavy-hitter, kasunod ng breakout success ng Black Panther, ang napakaraming superhero na nagtutulungan para isalba ang sansinukob mula sa makapangyarihang purple alien na si Thanos (Josh Brolin).

Kalokalike ni Awra Briguela, mas maganda pa raw sa kaniya

Ang muling gumanap sa kanilang Marvel roles ay sina Robert Downey, Jr. bilang Iron Man, Benedict Cumberbatch bilang Doctor Strange, Scarlett Johansson bilang Black Widow at Chris Hemsworth bilang Thor.

Kabilang din sa pelikula sina Captain America, Black Panther, the Hulk, Spider-Man at Hawkeye, pati nw ang Guardians of the Galaxy at iba pang mga kakampi ng kabutihan.

Gumawa ng kasaysayan ang Avengers – ang ikatlong pelikula sa Avengers saga at ika-19 sa Marvel Cinematic Universe – nang masungkit ang highest worldwide opening of all time sa nakalululang $641 million.

Sa US at Canadian box offices, pumangalawa ang sci-fi horror A Quiet Place – ngunit malayo ang agwat nito kumpara sa tagumpay ng Avengers – sa kinitang $11 million sa ikaapat na linggo ng pagpapalabas nito.

Sa kabuuan ay tumabo na ang A Quiet Place ng $148.5 million, bida ang actor-director na si John Krasinski at real-life wife na si Emily Blunt, tungkol sa mag-asawa na pinoprotektahan ang pamilya laban sa mga bulag na aliens, na sinusugod ang mga kalaban gamit ang pandinig.

Pumangatlo ang I Feel Pretty na kumita ng $8.2 million. Comedy ito tampok si Amy Schumer bilang self-conscious woman, na nagkaroon ng head injury at ang tingin sa sarili ay napakaganda.

Ang nitong nakaraang linggo ay pangalawa, bumaba ang ranggo ng Rampage – na batay sa video game series, sa kinitang $7.2 million at sa kabuuan ay $78 million sa loob ng tatlong linggo.

Ikalima ang Black Panther na ikawalo nitong nakaraang linggo.