LOS ANGELES (AFP) – Sinampahan ni Ashley Judd, isa sa mga unang aktres na nag-akusa kay Harvey Weinstein ng pangmomolestiya, ang showbiz mogul, dahil sa umano’y paninirang-puri makaraan niya itong tanggihan.

Ashley

Nagsampa siya ng kaso sa Los Angeles Superior Court sa Santa Monica, at nakasaad dito na sinira ni Weinstein ang kanyang tsansang mapabilang sa cast ng Lord of the Rings trilogy, sa pamamagitan ng pagkakalat ng false statements sa director na si Peter Jackson, na umano’y nagkaroon siya ng masamang karanasan sa pakikipagtrabaho kay Judd, at tinawag pa siyang ‘’nightmare.’’

‘’With those baseless smears, Weinstein succeeded in blacklisting Ms Judd and destroying her ability to work on what became a multibillion-dollar franchise with 17 Academy Award wins and many more nominations,’’ saad sa dokumento.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ayon pa rito, sinimulang siraan ni Weinstein si Judd, 50, nang tanggihan niya ang mogul, isang taon bago ito nanira, nang umano’y kornerin siya nito sa isang hotel room, na ikinubli umano ng producer ang tunay na balak sa pagsasbing trabaho ang pag-uusapan.

‘’A self-described ‘benevolent dictator’ who has bragged that ‘I can be scary,’ Weinstein used his power in the entertainment industry to damage Ms Judd’s reputation and limit her ability to find work,’’ nakalahad pa sa dokumento.

Inihayag ni Judd sa nakahadang pahayag na ang anumang damage na kanyang maipapanalo ay mapupunta sa Time’s Up legal fund, ‘’so that women and men in all professions may have legal redress for sexual harassment, economic retaliation and damage to their careers.’’

Una nang itinanggi ni Weinstein na wala itong anumang kinalaman sa desisyon sa casting ng Lord of the Rings.

Nakipagtrabaho si Oscar-winning Jackson kay Weinstein at sa kanyang kapatid na si Bob, sa unang development ng The Lord of the Rings, at ang dalawa umano ay nagmistulang ‘’second-rate Mafia bullies.’’

Samantala, sinabi naman ng New Zealand director na wala siyang direktang alam tungkol sa mga alegasyon ng pangmomolestiya laban kay Weinstein, ngunit pinilit umano siya ng producer na huwag isama sa cast si Judd o si Mira Sorvino.

‘’I recall Miramax telling us they were a nightmare to work with and we should avoid them at all costs. This was probably in 1998,’’ sabi ni Jackson sa Fairfax New Zealand.

‘’At the time, we had no reason to question what these guys were telling us -- but in hindsight, I realize that this was very likely the Miramax smear campaign in full swing.’’