Ni Mike U. Crismundo

BUTUAN CITY - Nailigtas ng pulisya ang anim na menor de edad nang salakayin ang isang cybersex den sa Barangay Mahogany, Butuan City, kamakailan.

Paliwanag ni Department of Social Welfare and Development (DSWD)- Region 13 information officer Eunice Montaos, ang mga na-rescue ay may edad na tatlo, apat, siyam, 10, 12 at 14, at tatlo sa mga ito ay babae.

Sinalakay ng mga tauhan ng Regional Anti-Cyber Crime Office at ng Butuan City Police Office (BCPO) ang nasabing bahay sa Purok 6 Silad sa Bgy. Mahogany dahil na rin sa isang reklamo.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

“They are still being debriefed and under care by our social workers at DSWD Home for Girls Facility at Barangay Bonbon here, based on directive of our regional director,” ayon kay Montaos.

Isang suspek, na hindi muna pinangalanan, ang naaresto sa operasyon at kakasuhan ng paglabag sa Anti- Trafficking in Persons Act, Child Abuse Law, at Anti-Child Pornography Act.

Sasailalim ang mga biktima sa psychosocial debriefing ng DSWD, at tutulong din ang kagawaran sa pagsasampa ng kaso laban sa suspek.