Ni Czarina Nicole O. Ong

Sinimulan na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang paghabol sa mga opisyal ng barangay na “natutulog sa pansitan” sa kanilang paglaban sa lumalalang problema sa droga kanilang nasasakupan.

Ito ay makaraang magsampa ang kagawaran ng kasong administratibo sa Office of the Ombudsman laban sa limang opisyal ng barangay sa Maynila.

Idinahilan ng DILG na hindi maayos ang pangangasiwa ng mga nasabing opisyal sa kani-kanilang Barangay Anti-Drug Abuse Councils (BADACs) dahil hindi pa rin masugpo-sugpo ang illegal drugs sa kanilang lugar.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Nauna nang ipinangako ng DILG na aabot sa 16 na opisyal ng barangay ang kanilang pananagutin ngunit, kahapon, lima pa lamang ang kinasuhan ng grupo nina DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño at Assistant Secretary for External and Legislative Affairs Ricojudge Janvier Echiverri.