Ni ELLALYN DE VERA-RUIZ

Bumaba ang bilang ng mga Pilipino na nakaranas ng unintentional hunger sa nakalipas na tatlong buwan sa 9.9 porsiyento o tinatayang 2.3 milyong pamilya batay sa resulta ng first quarter 2018 survey ng Social Weather Stations (SWS).

Isinagawa ang nationwide survey simula Marso 23 hanggang 27 sa 1,200 respondents at natuklasan na 9.9% o 2.3-M pamilya ang nakaranas ng involuntary hunger ng isang beses sa nakalipas na tatlong buwan. Ito ay anim na puntos na mas mababa sa 15.9% o tinatayang 3.6 M pamilya na nakaranas ng involuntary hunger sa last quarter ng 2017.

Ang sukatan ng gutom ay tumutukoy sa involuntary suffering dahil ang respondents ay sumagot sa survey question na tumutukoy sa gutom dahil sa kawalan ng pagkain.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Iniiuugnay ng SWS ang mas mababang hunger rate sa pagbaba sa bilang ng mga pamilya na nakaranas ng gutom sa lahat ng larangan.

Ang 9.9% ng hunger rate ay binubuo ng 6% (190,000 pamilya) sa Metro Manila, 11% (1.1-M pamilya) sa iba pang bahagi ng Luzon, 13% (583,000 pamilya) sa Visayas, at 7.3% (390,000 pamilya) sa Mindanao.

Ang quarterly hunger nitong Marso 2018 ay kabuuang 8.6% (halos 2-M pamilya) na nakaranas ng moderate hunger at 1.3% (halos 306,000 pamilya) na nakaranas ng matinding gutom.

Batay sa depinisyon ng SWS, ang moderate hunger ay ang mga nakaranas ng gutom “only once” o “a few times” sa nakalipas na tatlong buwan, habang ang severe hunger ay tumutukoy sa nakaranas nito “often” o “always” sa nakalipas na tatlong buwan.