Ni JIMI ESCALA

ISANG malapit na kaibigan na nasa mundo ng pulitika ang nagbalita sa amin na mukhang tuloy na ang pagpasok ni Willie Revillame sa pulitika.

wILLIE copy

Ayon sa source namin, tatakbong mayor ng Quezon City ang host ng Wowowin sa 2019 elections. Mahigpit daw ang pangungumbinsi ng isang kilalang partido kay Willie na tumakbo para alkalde ng Quezon City.

Tsika at Intriga

Bea, Julia, at Kim may 'common denominator' daw sa pagiging calendar girl

Sa ngayon ay ang incumbent vice mayor na si VM Joy Belmonte ang sigurado nang tumakbo para sa pagkaalkalde sa QC at maaari rin nitong makatapat si Cong. Bingbong Crisologo.

Kaya kung matutuloy ang pagtakbo ni Willie, tatlo ang maglaban-laban para sa Quezon City mayor, sina VM Joy Belmonte, Cong. Bingbong Crisologo at si Willie nga.

Ayon pa sa source namin ay si Coun. Gian Sotto ang kinukuhang maka-tandem ni Joy Belmonte at ang three termer na si Cong. Winston Castelo naman ang vice-mayor ni Cong. Bingbong Crisologo.

Magpinsan sina Cong. Castelo at ang ama ni Gian Sotto na si Sen. Tito Sotto. So, pagdating sa ambisyon sa pulitika ay walang kama-kamag-anak.