KABUL (Reuters, CNN) – Dalawang bomba ang sumabog sa Kabul, ang kabisera ng Afghanistan, nitong Lunes na ikinamatay ng 29 katao, kabilang ang walong jourmalist at chief photographer ng French news agency na AFP, ngunit wala pang umaako sa pag-atake.

Ang photographer na si Shah Marai ay kabilang sa grupo ng mga mamamahayag na nabiktima ng ikalawang pagsabog habang nag-uulat tungkol sa naunang pagsabog.

Nangyari ang pag-atake isang linggo matapos ang pambombomba sa isang voter registration center na ikinasawi ng 60 katao.

Ang unang pagsabog nitong Lunes sa Shashdarak area malapit sa mga gusali ng NDS intelligence service ay sinundan ng isa pa sa labas ng ministry of urban development and housing, habang papasok sa opisina ang mga tao.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Apat katao ang namatay at lima ang nasugatan sa unang pagsabog, ayon kay Najib Danish, spokesman ng interior ministry.

Ang ikalawang pagsabog ay naganap sa lugar sa tabi ng mga mamamahayag na nag-uulat sa naunang insidente, na ikinamatay ng walong journalist, photographers at cameraman mula sa iba’t ibang news media outlets.

Namatay sa pagsabog ang chief photographer sa Kabul ng Agence France- Presse na si Shah Marai, kinumpirma ng ahensiya sa Twitter message. Nasugatan naman ang isang photographer ng Reuters.