Ni Orly L. Barcala

Inaresto ang isang Turkish matapos ireklamo ng dati nitong asawa dahil sa umano’y pagmumura at pag-dirty finger sa kasagsagan ng kanilang hearing sa loob ng barangay hall sa Valenzuela City, kamakalawa ng tanghali.

Nahaharap sa paglabag sa R.A. 9262 o Violation for Women’s Law si Erdugdo Ugur, 38, tubong Turkey, nakatira sa No. 858 McArthur Highway sa nasabing lungsod.

Sa reklamo ni Lilibeth Estabillo, 31, dating asawa ni Ugur, ng Unit E. Basic Homes, Caloocan City, kay SPO1 Richell Sinel ng Women’s and Children Protection Desk (WCPD), nasa hearing sila ni Ugur sa Barangay Malanday, bandang 12:00 ng tanghali.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ito ay dahil inireklamo ni Estabillo si Ugur dahil sa pagwawala nito nang pumunta ito sa kanyang bahay.

“Bigla siyang tumayo tapos galit na galit sabay salita ng ‘kurmo’ na p****gina sa salitang Hapon,” ani Estabillo.

Hindi pa umano nasiyahan si Ugur, nag-dirty finger pa ito kaya tumawag ang mga tanod sa PCP 6 at inaresto ang suspek.

Nabatid na siyam na taong nagsama sina Ugur at Estabillo at nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng isang babae.

May bago nang kinakasama ang suspek at ayaw na umano ng biktima na makisama pa sa dayuhan.