Ni NORA CALDERON

MALAPIT sa puso ni Tom Rodriguez ang The Cure, bago niyang primetime series sa GMA-7, na tungkol sa paghahanap ng gamot na magiging lunas sa cancer.

Tom Rodriguez (11) copy

“Thankful po ako sa GMA-7 na sa akin ibinigay ang role ni Gregory Salvador, isang worker sa Clinical Research Associate in an international pharmaceutical laboratory,” kuwento ni Tom. “Masaya ang buhay ko with my wife Charity (Jennylyn Mercado) at ng daughter naming si Hope (Leanne Bautista), until ma-diagnose ang mother ko with stage 4 pancreatic cancer. Hindi ko matitiis makita ang mother ko na nahihirapan sa sakit niya kaya iyong na-discover na experimental drug ni Dr. Evangeline Lazaro (Jaclyn Jose) ay ninakaw ko at isinaksak ko sa mother ko (Agnes, played by Irma Adlawan). Too late na nang ma-realize ko na mali pala ang ginawa ko dahil naging cause ito ng epidemic hindi lamang sa city kundi sa buong bansa.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Kaya itong teleserye namin, iniaalay ko sa father ko, dahil napagdaanan ko rin ang hirap sa paghahanap ng cure sa sakit ni Papa, cancer of the lungs. Kaya itong serye namin, dedicated ko ito sa kanya. Nag-promise din ako sa GMA na gagawin ko ang lahat, kahit mahihirap na eksena, para mapaganda namin ang epidemic serye. Dito nga mapapalaban ako ng action scenes nang magulo na ang buong kapaligiran.

“It’s nice to work with Jennylyn Mercado as my wife at sa iba pang members of the cast na iyong iba, ngayon ko rin lang nakasama sa isang project.”

Directed by Mark Reyes, kasama rin sa cast sina Mark Herras, LJ Reyes, Jay Manalo, Ronnie Henares, Glenda Garcia, Diva Montelabas, Arra San Agustin at in a special role, si Ken Chan.

Ngayong gabi na ang premiere telecast ng The Cure pagkatapos ng 24 Oras.