Ni Mary Ann Santiago

Sa selda ang bagsak ng tatlong lalaki, kabilang ang isang menor de edad, matapos makita sa closed-circuit television (CCTV) footage na nilooban nila ang isang vendor sa Barangay Nangka, Marikina City kamakalawa.

Kasong theft ang kakaharapin ng mga suspek na sina Jimmy Dasigan; Rodjie Dasigan, kapwa nasa hustong gulang at nakakulong sa Marikina City Police Station; at ang 14-anyos na itinurn over sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Base sa ulat, pinasok ng mga suspek ang bahay ni Rea Atienza, ng New Balubad Settlement Site, sa Bgy. Nangka, at tinangay ang kanyang isang super kalan, isang cell phone, tool box at P1,000 cash, dakong 2:00 ng madaling araw.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file sa pagkasenador at party-list sa huling araw

Sinamantala umano ng mga suspek na wala ang biktima sa kanyang bahay, at nadiskubre lamang ng pagnanakaw nang mapansin ang pagkawala ng mga nasabing gamit at pera.

Nagreklamo si Atienza sa barangay at nang silipin ang CCTV footage ay natukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek.