Ni Argyll Cyrus B. Geducos

Pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Singaporean government sa pagtanggap sa 180,000 Pilipino na naninirahan at nagtatrabaho roon, sa pagtatapos ng kanyang pagbisita sa Singapore para sa 32nd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

Ito ang ipinahayag ni Pangulong Duterte sa isang oras niyang pakikipagpulong sa halos 6,000 miyembro ng Filipino community sa Singapore nitong Sabado ng gabi matapos dumalo sa Summit.

Sa kanyang talumpati, nagpahayag ng kasiyahan ang Pangulo na maayos ang kalagayan ng mga Pilipino sa Singapore at hindi nagdurusa sa mga pang-aabuso kumpara sa overseas Filipino workers (OFWs) ibang bansa na hindi na niya pinangalanan.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Mabuti kayo dito because Singapore is a highly-civilized country. Importante kasi ‘yang moral authority and Singapore has it,” ani Duterte. “Wala akong masasabi talaga sa totoo lang except that I am profuse in thanking Singapore and Singaporeans for allowing my countrymen to come here and work.”

Ibinahagi ni Philippine Ambassador to Singapore Joseph Del Mar Yap, sa isang panayam, na ang mga Pilipino ay kinikilala sa Singapore at masaya ang mga Singaporean na sila ay makasalamuha.