Ni Cover Media

INAMIN ni Lily James na ang pagganap sa papel ni Meryl Streep sa Mamma Mia! ay isang malaking sugal sa kanyang karera.

Lily James copy

Ang English actress ay gumaganap bilang younger version ng karakter ni Meryl sa ABBA-based prequel ng Mamma Mia! Here We Go Again, at ramdam niya ang pressure sa pagganap sa isang Hollywood legend.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

“I’ve basically set myself up for the biggest fall,” natatawang sabi niya sa panayam ng Heat magazine ng Britain.

“This will probably end my career, playing a young Meryl. But I keep having to tell myself, I’m not playing Meryl, I’m playing Donna Sheridan.”

Upang magampanan nang maayos ang papel, pinag-aralan ni Lily ang mga pelikulang pinagbidahan ni Meryl noong ito ay nasa 20s, gaya ng The Deer Hunter at Manhattan, sa layong matutuhan ang personal traits ng 68-year-old legend.

Gayunman, napagtanto ng bituin ng Cinderella na walang saysay ang kanyang pagsisikap.

“It was basically an entire waste of time, because you can’t learn any of it,” napabuntong-hiningang sabi niya. “It’s just her, it’s who she is, it’s why she’s the greatest actor of all time. If it was t e a c h a b l e , what she c a n d o , they’d be churning out Meryls every week.”

Dinala ng papel si Lily sa ‘70s, habang ang kanyang recent movies na Darkest Hour at The Guernsey Literary and Potato Peel Pie Society ay ibinalik siya sa panahon ng World War II.

Ngayon, umaasa ang bituin na makaganap sa mas modernong papel. “I love to work on contemporary scripts more, and I’m getting the chance to do that now after working with Edgar Wright (on Baby Driver),” paliwanag niya.

Ang susunod na pelikula ni Lily ay Little Woods, na g u m a g a n a p siya bilang ina ng isang six-ye a r -old na naninirahan s a i s a n g North Dakota trailer park.